Hindi ko man nasabi sayo kagabi pero.. sobrang gusto kong mag bigay ng message sayo sa harap ng pamilya mo, mga kaibigan mo, at mga taong nakakakilala sayo – sa mundo mong napagtanto kong ibang iba sa mundong kinagagalawan ko. :–)
Nung nag kumakain tayo sa Kangaroo Jack, hindi ko maitago yung excitement na nararamdaman ko para sayo dahil ggraduate ka na kinabukasan. Para bang first day ko sa school nung elementary palang ako, ganung ganun yung nararamdaman ko nung magkasama tayo. Grabe no? Akala mo ako yung ggraduate sa PICC kinabukasan eh. Hehe. Feeling ko, sa totoo lang, hindi lang ikaw and ggraduate.. Naisip ko lang na pati ako rin. :–)
Alam ko namang naging kasangga mo ko sa loob ng mahigit sa dalawang taon sa FEU. Mapa teatro man iyan o mapa academics, alam mong handing handa akong tumulong sa iyo hangga’t kayang kaya ko kasama na ng 100% the bestest ko. Masaya ako at naging parte ako ng “college life” mo, hindi man naging ganung kalaki ng kontribyusyon ko tulad ng FTG na sobrang nagpabago sa buhay mo, alam ko naming kahit papano, isa ako sa mga significant person na nakilala mo sa FEU. (duh, girlfran)
Pero alam kong alam mo na hindi alam ng mga tao sa 3rd floor, Lotus Room kung ano ka talaga sa FEU, kung ano ka sa mga nakakakilala sayo at kung sino ka sa buhay ko.. O hindi kaya’t sino AKO sa BUHAY mo. Ikaw, isang napakamasayahing tao na handang handang tumulong sa mga taong nangangailangan at handang magpasaya sa katropa, kaklase, kaguild at kung ano pa man kapag sasayaw ka na, aarte.. Sobrang kulit mong tao ka, hindi nga lang halata. Hindi nila kilala ang tunay na Hakim tulad ng pagkakakilala ko sayo, pagkakakilala naming lahat sayo. Sana maembrace mo kung sino ka talaga as a person at magkaroon ka ng courage na maging proud sa kung sino ka at kung anong narating mo.
Alam mo naman sigurong.. Gusto kitang akapin ng mahigpit, buhatin ka at ikutin sa sobrang saya ko para sayo pero hindi pwede (hehe, kailangan demure). Gusto kitang pasalubungan ng maraming halik mula ng pag dating ko pero hindi pwede (bawal ang sobrang mahalay). Gusto ko nga rin sanang makita ka nung nasa PICC ka pero Malabo at hindi ako nagising sa tamang oras (batugan). Bwahaha. Pero, okay lang. Bumawi naman tayo eh. :–)
Marami akong gustong sabihin sa iyo lalo na patungkol sa hinaharap pero ang masasabi ko lang, nasa iyo ang desisyon sa lahat ng aspeto sa buhay mo. Andito lang ako, ang pamilya mo, mga kaibigan mo na siguradong andito lang para sayo. Kung ano mang gusto mong ipersue after college, gawin mo. Kung gusto mong magtrabaho, akin na 2x2 scanned copy mo (bwahaha). At higit sa lahat, GAWIN MO KUNG ANO ANG MAGPAPASAYA SAYO NG WALANG PAHINTULOT HATID NG OPINYON NG IBA O KAGUSTUHAN NG KUNG SINO MAN. It’s your life and you deserve to live it the way you want to. :–) You’re free from the torments of college and ready to take on the real world! I know you will make a great lawyer Insha’Allah.
I LOVE YOU SO MUCH HAKIM! HAPPY GRADUATION ONCE AGAIN! From your lovingly cutielicious girlfriend, Pat

